AWIT KAY CLAIRE

AWIT KAY CLAIRE
Butch Charvet

Talata 1:
Araw ko'y papanglaw kung di ka matatanaw
Kahit saglit man lang ika'y masilayan
Sayo nga'y maghihintay sa pag-ibig mo hihimlay
Diyos ang Siyang pinagmulan ng ating pagmamahalan

Koro:
Kahit pa magtatagal, ako'y maghihintay
Kahit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan
Hindi ako mapapagal, hindi malulumbay
Aking tutunghayan ang bawat oras man
Alam ng Maykapal

Talata 2:
Puso'y wag mangamba pagka't wala na ngang iba
Mata ko'y napako na sayo lamang aking sinta
At nais kong malaman mo hindi ako mahihiyang
Ipagsisigawan sa mundo mahal na mahal kita

No comments:

Post a Comment